SA MALAPAD NA BINTANA NG SILID-ARALAN
Rufino Tan Garcia Jr.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa labas ng silid-aralan at kung bakit ko ito pinagmamasdan. Ito ba ay dahil sa asul na kalangitan na nalalatagan ng mga puting ulap o sa nakakairitang ingay na hatid ng mga estudyanteng naghaharutan sa daan? Ngunit bakit sadyang kay payapa ng aking pakiramdam sa mga oras na nasa harapan ako ng malapad na bintana ng silid-aralan. Alikabok na nakapupuwing at ilang saglit na pagkangalangay ng leeg lang ang mapapala ko pero maano ba? Eh dito ako nag-eenjoy! Parang batang nanonood ng palabas sa teatro - ang kaibahan nga lang ay natural ang drama at walang rehearsal.
Isa ako sa mga taong mainipin. Hindi ako sanay na maghintay at pinaghihintay. Kinaiinisan ko ang mga taong mabagal, makupad at kalahi ng pagong. Ayoko sa mga nagpapa-VIP na akala mo ay importante. Galit ako sa mga taong nagsasayang ng oras na parang jeep lang at umaasang marami pang dadaan. Isinusumpa ko ang lahat ng nagsasalita ng “mamaya”, “saglit”, “teka”, at “matagal pa”. Doon sa airport, noon lang ako nakapagintay ng pagkatagal-tagal. Salamat dahil sakay ng eroplano ang mahal kong tita dahil kung hindi ay itutulak ko na ito para bumilis. Bukod pa nung graduation ko nung highschool, na talaga namang nainip, natuyo, napanis at nilangaw na sa puwesto ko. Wala rin namang nagawa ang lahat ng santo na kilala ko at nabanggit at dinasalan ko para lamang makuha ko ang diploma ko. Pati si Satanas ay hiningan ko na rin na tulong ngunit wala pa rin at kung kasalanan man yun, pasensya na. Wala talaga… Matagal parin. Sa ilalim ng asul na langit, ng konkreto gusali, ng malawak na silid na may berdeng pintura, sa tapat ng maluwang na bintana at sa tapat ng makapigil hiningang tanawin, ibang tao ang nkatayo.
Ito na nga talaga. Pagbabago na kay bilis. Ngunit mabilis nga ba o matagal na talaga at ngayon ko lang napagtanto.Yun na nga siguro. Haaay…pagbabago nga naman. Sa tulong ng malapad na bintana, nagising ako. . Mayroong pumasok na bagong hangin at kay sarap sa pakiramdaman.Mayroong salamin na kumikislap pag tinatamaan ng sinag. Buhay na palaging bukas sa pagbabago at hindi kailanman magsasara.
Thursday, January 21, 2010
Heart Pain
I never knew that I could be like this
Now I’m missing you while I’m with my Portuguese
Why did you have to turn away so fast?
You left me along the way so vast
There is something I have to say
I thought you’re with me but you’re so far away
I always made our time so right and well
But instead you felt so bad in hell
Yes, you didn’t question my love
And pretend you liked me in front of the crowd
Having a kissing partner that I thought your peer
Caused my broken heart a liter of tears…

CRISPY LOVE
Crispy Love
(The Past, Present and my Future?)
_Rufino Tan Garcia Jr.
Sa mahabang panahon na ika’y nakapiling, ang siyang tanging naging laman ng puso ko…sa tingin mo ba ay ganoon na lamang kadali ang kalimutan ang lahat?Ang wika ng puso’t isipan ko’y hindi pa panahonpara iwanan ang kahapon, tama, hindi pa dapat gayong tanging ala-ala mo lamang ang bumubuhay sa akin sa kasalukuyan. Nasaan ka man ngayon, alam kong hindi mo guto na magkaganito ako- ang kaawaan ng iba ngunit papaano mo pipigilan ang puso kong hanapin ka? Na panatilihin ka dito …dito kung saan dati mong pag aari, ang lugar na dati mong pinuno ng kulay- ang buhay ko. Sana’y naririnig mo ito … sana…
Wala akong anumang pinanghahawakan na katibayan ng iyong pagbabalik ngunit hindi nito ibig sabihin na hindi na tayo magtatagpo, malay sa susunod nating buhay at panahon ….basta balang araw. Baliw na kung baliw pero tanging pakiusap ko ay hayaan na lamang ako sa sitwasyong ganito, pakiusap…
Sa gaanito ko na lamng ibubuhos ang aking buong pangungulila…ang pangungulila na siyang sumalubong sa akin ng ika’y lumisan. Sa totoo lang ay ni walang galit o pagkamuhi akong nararamdaman sa puso ko dahil wala na siguro itong puwang at paglagyan. Ikaw na nakapagpatotoo ng aking mga panaginip, ikaw na nagbalik ng liwanag at nagparanas sa akin kung papaano maging masaya at higit sa lahat – ang kumumpleto sa akin.
Oo, iniwan mo nga ako ngunit wala akong pakialam bagkus naiintindihan ko pa. Kung isisilang akong muli sa mundong ito ay tanging ikaw pa rin ang aking iibigin at pagaalayan ng aking buong buhay. At kahit na paulit-ulit mo man akong iwanan ay maluwag kong tatanggapin dahil siguro nga’y kapalaran ko na ito.

Subscribe to:
Posts (Atom)